Thursday, October 21, 2010

The Bob Ong's Qoutes...

I just discovered this quotes lately lang... upon reading Bob Ong's words of wisdom... I find it very tricky and slightly funny pero "tagos sa puso". I love reading his quotes about STUDENTS, LIFE, and LOVE and can make you realized and helps you to widen up your outlook in life... Life can be too serious but you can also jive it with a little spice that can make you live happily.

Here are some of Bob Ong's Qoutes:

* "Minsan kahit ikaw ang nakaschedule, kailangan mo pa rin maghintay, kasi hindi ikaw ang priority."

* "Kung hindi mo mahal ang isang tao, wag ka nang magpakita ng motibo para mahalin ka nya.."

* "Hindi porke't madalas mong ka-chat, kausap sa telepono, kasama sa mga lakad o ka-text ng wantusawa eh may gusto sayo at magkakatuluyan kayo. Meron lang talagang mga taong sadyang friendly, sweet, flirt, malandi, pa-fall o paasa."

* "Huwag mong hawakan kung alam mong bibitawan mo lang."

* "Huwag na huwag ka hahawak kapag alam mong may hawak ka na."

* "Parang elevator lang yan eh, bakit mo pagsisiksikan ung sarili mo kung walang pwesto para sayo. Eh meron naman hagdan, ayaw mo lang pansinin."

* "Kung maghihintay ka nang lalandi sayo, walang mangyayari sa buhay mo.. Dapat lumandi ka din."

* "Mas mabuting mabigo sa paggawa ng isang bagay kesa magtagumpay sa paggawa ng wala"

* "Hindi lahat ng kaya mong intindihin ay katotohan, at hindi lahat ng hindi mo kayang intindihin ay kasinungalingan"

* "Pakawalan mo yung mga bagay na nakakasakit sa iyo kahit na pinasasaya ka nito. Wag mong hintayin ang araw na sakit na lang ang nararamdaman mo at iniwan ka na ng kasiyahan mo."

* "Pag may mahal ka at ayaw sayo, hayaan mo. Malay mo sa mga susunod na araw ayaw mo na din sa kanya, naunahan ka lang."

* "Hiwalayan na kung di ka na masaya. Walang gamot sa tanga kundi pagkukusa."

* "Pag hindi ka mahal ng mahal mo wag ka magreklamo. Kasi may mga tao rin na di mo mahal pero mahal ka.. Kaya quits lang."

* "Kung dalawa ang mahal mo, piliin mo yung pangalawa. Kasi hindi ka naman magmamahal ng iba kung mahal mo talaga yung una."

* "Lahat naman ng tao sumeseryoso pag tinamaan ng pagmamahal. Yun nga lang, hindi lahat matibay para sa temptasyon."

* "Gamitin ang puso para alagaan ang taong malapit sayo. Gamitin ang utak para alagaan ang sarili mo."

* "Bakit ba ayaw matulog ng mga bata sa tanghali? alam ba nilang pag natuto silang umibig e hindi na sila makakatulog kahit gusto nila?"

*"Ayokong nasasanay sa mga bagay na pwede namang wala sa buhay ko."

* "Hinahanap mo nga ba ako o ang kawalan ko?"

* "Hindi dahil sa hindi mo naiintindihan ang isang bagay ay kasinungalingan na ito. at hindi lahat ng kaya mong intindihin ay katotohanan. "

* "Sabi nila, sa kahit ano raw problema, isang tao lang ang makakatulong sa'yo - ang sarili mo. Tama sila. Isinuplong ako ng sarili ko. Kaya siguro namigay ng konsyensya ang Diyos, alam niyang hindi sa lahat ng oras e gumagana ang utak ng tao."

* "Obligasyon kong maglayag, karapatan kong pumunta sa kung saan ko gusto, responsibilidad ko ang buhay ko."

* "Masama akong tao, tulad mo, sa parehong paraan na mabuti kang tao, tulad ko."

* "Mas mabuting mabigo sa paggawa ng isang bagay kesa magtagumpay sa paggawa ng wala."

* "Iba ang walang ginagawa sa gumagawa ng wala."

* "Iba ang informal grammar sa mali!!!"

* "Para san ba ang cellphone na may camera? Kung kailangan sa buhay un, dapat matagal na kong patay."

* "Pare, isa kang totoong tao at walang halong kasinungalingan. In English, FACT you, pare. Totoo ka. In English, FACT you!"

1 comment:

  1. read more here:
    http://marcdaniel.xtgem.com/Bob%20Ong%20Sayings

    ReplyDelete